
Halakhak at hiyawan ang pumuno sa Pamantasang Normal ng Pilipinas Visayas sa iginanap na PANAGHIUSA (INITIATION DAY), na may temang, “Celebrating Solidarity and Togetherness Through Filipino Culture and Traditionโ na pinangunahan ng Philippine Normal University Visayas Student Government (PNUVSG), noong Sityembre 11, 2024.
Ito ay naglalayong pagtibayin at palakasin ang samahan ng mga mag-aaral at ipagdiwang ang malugod na pagtanggap sa mga nasa ikaunang taon o freshmen sa pamantasan.
โ๐ซ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐-๐ฉ๐๐๐๐ ๐ถ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐. ๐ฐ ๐๐๐๐ [๐๐๐๐] ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ,” saad ni Dr. Ma. May Flor V. Sentina, Coordinator of Student Development Services sa kaniyang pambungad na mensahe.
Isang mahalagang bahagi rin ng kaganapan ang pagkilala sa Accredited at Re-accredited PBOS at ICS. Binigyan ng pagkakataon ang bawat pangulo na ipakilala ang kanilang mga organisayon na nagpapalakas ng diwa ng pagmamalaki at pagkakaugnay sa kanilang mga miyembro at sa mga magiging kasapi nito.
Ang kasiyahan ay nagpatuloy sa pamamagitan ng isang matinding kompetisyon sa yells, kung saan nagpakitang gilas ang mga first-year councils. Ang OV1-2 ang hinirang na panalo na sinundan naman ng isang kapana-panabik na Amazing Race na sumubok sa kakayahan ng mga PNUans, na pinanaluhan ng OV1-4.
Isa ring tampok ng araw ang โTanghalian sa Nayon,โ kung saan ang mga estudyante ay naghanda ng isang piging at nagsalo-salo sa kanilang ibinahaging mga tradisyonal na pagkaing Pilipino na nagpapalaganap ng pagmamahal at pagtangkilik sa kulturang Pinoy.
Sa hapon, inirampa ng mga kalahok ang kani-kanilang mga magagarbong kasuotang Pinoy na sumasalamin sa mayamang kultura ng Pilipinas, mula sa tradisyunal na barong tagalog, Filipiรฑana, hanggang sa mga eleganteng saya at ternong bihis. Hinirang na โFace of the Dayโ si Irene Rubio, โHead Turnerโ naman si Vhon Andrei Adraneda at ang sumungkit ng โBest in Attireโ ay si Justin Cena.
Nagpakitang gilas din ang mga freshies sa Laro ng Lahi, na nagtampok ng mga klasikal na laro tulad ng Japanese walk, jumping rope, kadang-kadang, Chinese garter, at sack race. Ang kasiyahan ay umabot sa rurok habang ang mga koponan ay naglalaban para sa mga parangal. At sa huli, hinirang bilang Overall Champion ang pangkat ng OVI-2.
Ang seremonya ng panumumpa para sa mga Accredited at Re-accredited PBOs at ICS ay pinangunahan ni Dr. Ralger D. Jocson Jr. , Executive Director at Provost ng nasabing pamantasan. Kasunod nito ay ang kapana-panabik na anunsyo ng mga nanalo sa Yells, Amazing Race, Laro ng Lahi, at Signature Hunt na nagdagdag sa kasiyahan ng programa.
Ang pangwakas na pananalita ni Hon. Leonel Baulita, PNUVSG President, ay nagbigay-diin din sa tagumpay ng kaganapan na nagsasalamin sa pagsisikap ng mga anak ni Inang Pamantasan at sa pagdiriwang ng espiritu at tradisyon ng mga Pilipino.
โ๐ฏ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ . ๐จ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐.โ
Ang Initiation Day ay hindi lamang isang simpleng pagdiriwang, kundi isang patunay ng pagkakaisa at pagmamalaki sa kultura ng bansa na tinatangkilik sa Inang Pamantasan.
๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ต๐ ๐น๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐
๐ด๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐ ๐ต๐๐๐ ๐จ๐
๐ ๐จ๐๐
๐๐๐, ๐ฌ๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ฐ๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐
๐๐๐, ๐น๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐, ๐บ๐๐๐๐๐๐ ๐ฑ๐๐
๐ ๐บ๐๐๐๐, ๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐๐
๐